Pagkatapos na kilalanin ang mga natatanging kababaihan o Juana ng PENRO Laguna noong 8 Marso 2022, siniguro rin ng opisina na mabigyan ng kaukulang pagkilala ang mga lalaking personnel sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at kontribusyon upang mapanatili pagkakapantay-pantay maging ang kanilang pagsuporta na iangat ang kakayahan ng mga kababaihan higit lalo sa serbisyong may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa ikatlong linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, 14 Marso 2021, ay binigyang parangal ang mga kalalakihan ng PENRO Laguna at tumanggap ng mga sertipiko na isinagawa noong flag raising ceremony. Kasama sina PENRO Eriberto B. Saños at Gender and Development (GAD) Focal Person Abigail C. Ongkiatco sa pagbibigay ng mga sertipiko.

Kinilala rin ang natatanging kontribusyon at suporta ni PENRO Eriberto B. Saños sa mga programa at gawain na nagsusulong na mapagtagumpayan ang mga layunin ng GAD.