Noong ika 14-ng Enero 2022, itinalaga bilang bagong PENRO ng Laguna si PENRO Eriberto B. Saños.

Ang PENRO Laguna ay isang implementing at supervising na panglalawigang tanggapan ng DENR. Sila ang nagpapatupad ng mga aktibidad, proyekto at programa na naglalayon sa patuloy na pagprotekta, pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman sa ika-1, ika-2 at sa mga lone districts ng Biñan, Sta. Rosa, at Calamba;p at sumusubaybay din sa ika-3 at ika-4 na distrito ng Laguna.

Mainit ang pagtanggap ng CENRO Sta. Cruz sa pagbisita at pagbibigay suporta sa nagbabalik na dating kasamahan sa DENR Laguna, PENRO Eriberto Saños. Nagkaroon ng maikling briefing gamit ang isang Audio Visual Presentation (AVP) na kung saan ipinakita ang mahahalagang impormasyon, mga ipinatutupad na mga gawain, proyektong pangkalikasan, at ilang mga inisyatiba ng CENRO Sta. Cruz.

Ayon kay PENRO Saños “ ang bawa’t isa sa mga kawani ng CENRO Sta. Cruz, maliit man o malaki ang hawak na posisyon ay may kontribusyon sa tanggapan. Ang suporta, kooperasyon, buong pusong paglilingkod ng bawa’t isa ay magdudulot ng maayos na paghahatid ng serbisyo publiko at magandang samahan patungo sa kaunlaran ng hindi lamang ng tanggapan bagkus ng bawa’t isa”.