Noong ika-4 ng Enero 2022, isang juvenile Grey Faced-Buzzard (Butastur indicus) na mula sa Barangay, Nanhaya, Victoria, Laguna ang naiturn-over sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz.

Ang Grey Faced-Buzzard ay Least Concern ngunit may pagbaba ang bilang ng mga ito sa kagubatan.

Ayon kay Ginoong Rodolfo Barrientos, noong ika-28 ng Disyembre 2021, isang juvenile Grey Faced-Buzzard ang nabihag sa kulungan ng kanyang mga kalapati. Nakakitaan ito ng sugat sa taas na bahagi ng kanyang ulo na hinala niya ay may bumaril dito.

Noong halos magaling na ang nasabing sugat, agad ipinaabot ni G. Barrientos sa CENRO Sta. Cruz sa pamamagitan ng telepono ang nasabing insidente. Napag alaman din ng CENRO Sta. Cruz na mayroon kaalaman si G. Barrientos patungkol sa ipinatutupad na batas na ipinagbabawal ang pag, aalaga ng mga ganitong uri ng buhay-ilang.

Ang nasabing lawin ay dinala at nasa pangangalaga ngayon ng Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip, maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o nagbebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903 o (049) 557-3231, at sulatroniko: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Asahan po ninyo na ang DENR ay kaisa niyo sa patuloy na pagtanggol at pagprotekta ng ating mga buhay-ilang, kapaligiran at likas-yaman. ###