Macalelon, Quezon- Tampok ngayong araw ang pakikiisa ng iba’t-ibang Ahensya at Kagawaran sa Serbisyo Caravan at Ugnayan na pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Macalelon, Quezon sa pamumuno ni Mayor Nelson R. Traje at DILG IV-A Regional Director Ariel O. Iglesia na ginanap sa Brgy. San Jose, Macalelon, Quezon noong Agosto 28, 2021.

Ang DENR-CENRO Catanauan sa katauhan ni Land Management Inspector Cherie Rose R. Cacayan at Forest Ranger Carmelo G. Paderon ay nagbigay ng impormasyon patungkol sa Agricultural Free Patent Reform Act sa ilalim ng R.A 11231 at Residential Free Patent Application sa ilalim ng RA 10023. Binigyang linaw din ang mga dokumento na kinakailangan para sa nais mag apply ng titulo.

Tinalakay din sa nasabing gawain ang mga sumusunod na paksa:

  • Retooled Community Support Program (RCSP) at Ulat ng Insurgency na pinaliwanag ni LTC. Edward F. Canlas;
  • Executive Order 70- Institutionalizing the Whole of Nation Approach in attaining inclusive and sustainable peace, creating a National Task Force to End Local Communist Armed and conflict and directing the adoption of National Peace Framework na pinaliwanag ni Mr. Adrianne O. Plasuelo;
  • Oplan Ligtas na Pamayanan sa Pagpigil sa Sunog na tinalakay ni SFO3 William R. Dimaala;
  • Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-clip) na tinalakay ni PLT. Reynante G. De Chavez;
  • Identification of Priority and Secondary Issues in the Community ni Mr. Xerxes F. Batralo; at
  • Iba pang mga serbisyo ang tinalakay ng iba’t-ibang agensya tulad ng: Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture (DA), National Irrigation Authority (NIA), Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang iba pang serbisyo para sa Ugnayan sa Barangay ay ginampanan ng mga sumusunod na Ahensya:

  • Pamimigay ng ayudang pagkain mula sa DSWD
  • Pamimigay ng face mask mula sa DOT
  • Pamimigay ng face towel mula sa Philhealth
  • Libreng Anti-Flu Vaccine mula sa DOH
  • Anti-Rabies Vaccination mula sa DA
  • Libreng gupit ng 591 Infantry Battalion
  • Libreng masahe ng TESDA
  • Pamimigay ng libro mula sa DEPED

Isa sa mga problema na ipinaabot ni Brgy. Captain Ariel M. Bagayan sa pamamagitan ng Ugnayan sa Barangay ay ang sira-sirang kalsada papunta sa barangay, kakulangan ng trabaho at proyekto para sa komunidad at kawalan ng Telecommunication signal na siyang nagpapabagal sa pag unlad ng barangay. Maayos na natapos ang gawain sa lugar at ito’y nagbigay ng pag-asa sa mga mamayan ng Brgy. San Jose sa bayan ng Macalelon, Quezon.