Isang Mangrove Planting ang isinagawa ng DENR CENRO Lipa sa Lagadlarin Mangrove Forest, Brgy. Lagadlarin, Lobo, Batangas noong ika-25 ng Hunyo taong kasalukuyan kaugnay ng selebrasyon ng Philippine Arbor Day. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Regulation Commission (PRC) at Society of Filipino Foresters Inc. (SFFI) at sa partisipasyon at tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Lobo at ng Brgy. Lagadlarin, Philippine Coast Guard at ng People’s Organization (PO) ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda sa Pangangalaga ng Kalikasan sa Barangay Lagadalarin (SMMPKBL). Mahigit na 600 na punla ng Malatangal (πΆπ‘’π‘Ÿπ‘–π‘œπ‘π‘  π‘‘π‘’π‘π‘Žπ‘›π‘‘π‘Ÿπ‘Ž), Api-api (π΄π‘£π‘–π‘π‘’π‘›π‘›π‘–π‘Ž π‘œπ‘“π‘“π‘–π‘π‘–π‘›π‘Žπ‘™π‘–π‘ ), Bakauan –babae (π‘…β„Žπ‘–π‘§π‘œπ‘β„Žπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž π‘šπ‘’π‘π‘Ÿπ‘œπ‘›π‘Žπ‘‘π‘Ž) at Bakauan-lalaki (π‘…β„Žπ‘–π‘§π‘œπ‘β„Žπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž π‘Žπ‘π‘–π‘π‘’π‘™π‘Žπ‘‘π‘Ž) ang itinanim sa nasabing lugar.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ni OIC PENR Officer Noel Recillo kung saan nagbahagi siya ng kaalaman tungkol sa malaking tulong ng pagtatanim sa carbon sequestration at ang importansya ng pagpapanatili at pangangalaga sa mga natanim na punla upang mapanigurado ang paglaki nito. Nagbahagi din ng kaalaman sa pamamagitan ng maikling lecture si OIC CENR Officer Januel Peras tungkol sa kahalagahan ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day, iba’t-ibang species ng mga bakawan na makikita sa lugar, at ang tamang pangangalaga sa mga tinanim na puno. Pinakita din ng CENRO Peras ang tamang pagtatanim ng mg punla ng mangroves.

Ang pagtatanim at pangangalaga ng mga punla ay malaking tulong sa pagpapanatili ng ating mga kapalagiran at ng pangkabuong klima ng mundo.

Pinagbibigay alam na lahat ng alituntunin hinggil sa pagiingat at pagpapanatili ng kaligtasan laban sa banta ng COVID19 ay maayos na nasunod sa pagsasagawa ng nasabing gawain.

Para sa mga susunod pang aktibidad kagaya nito, umantabay lamang po dito sa aming official Facebook account para sa mga anunsyo.