Nagkaroon ng monitoring ng roosting site ng flying fox o mas kilalang paniki ang DENR CENRO Lipa sa Sitio Parang  Sile, Brgy. Laiya Aplaya, San Juan Batangas noong ika-17 ng Hunyo taong kasalukuyan. Ang nasabing lugar ay ang sinasabing pinamamahayan o tinitigilan ng nasabing mga paniki. Nagkaroon ng field visit at Key Informant Interview (KII) kung saan lumabas na matagal ng lumipat ng tirahan/lugar ang dalawang uri ng paniki; ang Large Flying Fox (Pteropus vampyrus) at Golden-crowned Flying Fox (Acerodon jubatus).

Ang mga nasabing paniki ay huling namataan noong taong 2006 sa kabundukan ng Sitio Gulugod Baboy, Dao at Parang Sile, Brgy. San Juan, Batangas na humahapon at nakalambitin sa mga puno ng taluto, kupang at iba pang native na punungkahoy sa lugar.

Umaasa ang mga naninirahan sa kalapit na lugar na bumalik ang mga nasabing uri ng hayop dahil sa magandang benepisyo na naidudulot nito sa kabundukan at sa magandang potensyal nito sa eco-turismo ng lugar.