Isang lawin o Brahminy Kite (𝘏𝘒𝘭π˜ͺ𝘒𝘴𝘡𝘢𝘳 π˜ͺ𝘯π˜₯𝘢𝘴) ang itinurn-over sa tanggapan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, ng isang grupong pinapangunahan ni G. Rolden Garcia, SK Chairperson ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, ngayong araw ng Lunes, 15 Pebrero 2021.

Limang (5) kabataan ang nakatagpo sa nasabing lawin noong 14 Pebrero 2021, at ipinaalam sa SK chairperson ng baranggay sa tulong ni G. John-John Abrera. Agad namang umagapay ang Tanggol Kalikasan upang ito ay mai-turn-over sa DENR.

Dadalhin ang nasabing lawin sa Provincial Veterinary upang masuri kung ito ay nasa maayos na kalagayan at may mabuting kalusugan bago ito pakawalan sa kagubatan.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City