Noong Disyembre 14, 2020, ay muling nakapagtanim ng 817 na punla ng Molave (Vitex parviflora) at Bignai (Antidesma bunius) sa 50 ha. NGP CY 2015 Indigenous Species Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Nilalayon nito na matulungan na maprotektahan at mapagyabong ang ating mga natitirang kagubatan upang patuloy itong makapagbigay ng benepisyo at serbisyo hindi lamang sa kasalukuyang henerasyon, gayun din sa mga susunod na salin lahi.

Isa sa mga bagay na makakatulong upang mapagtagumpayan ang nasabing layunin ay sa pamamagitan ng TAK Movement na kung saan hinihikayat nito ang aktibong partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan, komunidad, at ibang pang organisasyon sa mga iba’t ibang gawain ng DENR.

Gaya ng nabanggit ni Miss Earth 2017 Karen S. Ibasco, “ang ating maliliit na pagsisikap para sa ating kalikasan ay kapag pinagsama-sama ay posibleng magkaroon ng malaking epekto upang patuloy na matulungan natin ang panunumbalik ng dating sigla ng ating kalikasan at likas yaman.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 119 na participants na pinagunahan nina Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, PENRO Ronilo L. Salac, CENRO Victor H. Mercado, MENRO Raymond Salay, RSCIG Chief Ann Hazel Javier, PENRO CDS Chief Melvin Lalican, CENRO CDS Chief/ NGP Coordinator Elisa Apolinario De Vera, PENRO NGP Coordinator Abigail Valdez, kasama ang mga kawani ng PENRO Laguna, CENRO Sta. Cruz, PGENRO Laguna, MENRO Siniloan, Sannguniang Kabataan (SK) ng Siniloan, at PNP Laguna.

Ang ika-limang pagtatanim ay gaganapin bukas, Disyembre 15, 2020.

"Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan"