Print

Taong 2020 ng simulan ng DENR CALABARZON, PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ang inisyatiba na gamitin ang mga replacement seedlings mula sa mga Approved Tree Cutting Permit sa pagpapaunlad ng mga graduated National Greening Program (NGP) sites sa Lalawigan ng Laguna.

Noong 21 ng Oktubre 2021 ay ipinagpatuloy ang pangsampung tree growing activity sa 50-Hectare CY 2015 Indigenous Tree Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Siniloan at Pangil; National Fire Training Institute-Bureau of Fire Protection (Camp Vicente Lim) sa pangunguna nina Sr. Superintendent Belinda B. Ochave, Chief inspector Marisol H. Odiver, Sr. Inspector Antonio A. Pahulaya, Sr. Inspector Jecker Luego, Sr. Inspector Khenlee D. Bawing, Inspector Maria Liza Tolero; Laguna Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Lt. Rolly Dahug; Siniloan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Sr. Master Sgt. Racquelyn Tadique, MENRO Siniloan sa pangunguna ni Raymond Salay, Siniloan River Rangers at piling mga kawani ng PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz sa pangunguna ni PENRO Ronilo L. Salac at OIC, CENRO Venerando U. Garcia. Nakapagtanim ng kabuuang bilang na 200 na punla na kinabibilangan ng 150 Parkia timoriana (Kupang) at 50 na Callophyllum inophyllum (Bitaog).

Ani PENRO Ronilo Salac, “Wala sa dami ng bilang ng punlang itatanim ang ikatatagumpay ng isang tree planting activity, bagkus ang mahalaga ay masisigurado na ang mga punlang itatanim ay mapapalaki at mabubuhay.”

Ayon naman kay MENRO Raymond Salay, ang MENRO Siniloan ay nagsasagawa ng palagiang pagmomonitor at maintenance and protection activities upang matiyak ang paglaki ng mga naitanim na punla.

Sa huling bahagi ng aktibidad, lubos na nagalak si CENRO Venerando Garcia sapagkat ang nasabing aktibidad ay nagpapakita ng simulain ng matibay na ugnayan sa pagitan ng BFP at DENR hindi lamang sa pagpapalago ng ating mga kagubatan pati na rin sa patuloy na pagprotekta ng mga ito lalong lalo na sa forest fire protection and management.

 Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan! ###