Print

Sa pagdiriwang ng World Bamboo Day 2021 na may temang “Alay ng Bayan sa Inang Kalikasan, Kawayan”, ang DENR CENRO Calaca ay nakilahok sa sabay sabay na malawakang pagtatanim ng kawayan sa buong mundo ngayong araw ng Biyernes ika-18 ng Setyembre 2021 sa Brgy. Toong Tuy Batangas.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga kawani ng Conservation and Development Section ng CENRO Calaca, mga miyembro ng Toong Planters Association Peoples Organization at mga emplayado ng SEM Calaca Power Corporation at South Luzon Power Generation Corporation na mga boluntaryo mula sa pribadong sector.

Bago ang pagtatanim ay isinasagawa ang isang IEC lecture na binibigyang diin ang kahalagahan at mga benepisyo na maaaring makuha mula sa mga kawayan at ilang impormasyon tungkol sa adbokasiya ng DENR na kung saan ang kawayan ay ginagamit sa pag rehabilita ng mga nasirang kagubatan. Gayundin ay 30 pirasong mga ng IEC materials ukol sa “Paraan ng Pagpaparami ng Kawayan” ang ipinamahagi sa lahat ng mga kalahok.

Ang DENR CENRO Calaca ay naglalayong makapagtanim 20,400 piraso ng kawayan sa 100 hektaryang NGP Plantation sa Brgy toong, Tuy Batangas bago matapos ang taong 2021.

Ang mga hakbang sa kalusugan at kaligtasan laban sa COVID-19 ay maayos na naobserbahan at naisagawa sa pagsagawa aktibidad. ###