Print

Makulimlim at malalakas na hangin ang sinuong ni RED Nilo B. Tamoria para makadaupang palad ang mga empleyado ng CENRO Real. Siya ay malugod na tinanggap at ipinakilala ni CENRO Oliver O. Olivo sa mga empleyadong nag-abang sa masigasig na Regional Executive Director.

Ngayong 22 ng Hulyo, 2021 ang muling pagbabalik ni RED Nilo B. Tamoria sa CENRO Real pagkalipas ng labing-pitong(17) taon. Siya ay naging CALABARZON Regional Executive Director noong taong 2008-2011.

Bilang pagbabalik tanaw, ibinahagi ni RED Tamoria  na ang CENRO Real ang kauna-unahang Field Office na kanyang nabisita noong siya ay nagsimulang manungkulan sa DENR. Kanya ring  nabanggit na sa kanyang administrasyon naipagawa ang kasalukuyang Tanggapan ng CENRO Real at siya ay natutuwa na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito.

Umusad ang pagpupulong sa mga usaping pangkalahatang pangangailangan ng opisina. Dito binigyan ng pagkakataon ni RED Tamoria ang mga Section Chiefs, lalo na ang Monitoring and Enforcement Section tungkol sa sitwasyon nito at kung ano ang maitutulong upang mas mapaghusay ang kalidad ng serbisyo sa usaping Forest Protection.

Ibinahagi din ni RED Tamoria ang kalalagayan sa pagbubuo ng Environment Protection and Enforcement Bureau at ang kahalagahan nito upang mas mapagtibay ang pagprotekta sa Kalikasan at ang kaligtasan ng bawat empleyado nito.

Bilang panghuling bahagi, nagpasalamat si CENRO Oliver O. Olivo kay RED Nilo B. Tamoria, ARD Alfredo C. Palencia at PENRO Ramil Limpiada sa pagbisita at pagkonsulta sa kalalagayan ng CENRO REAL.