Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at Pamahalaang Bayan ng Famy, Laguna para sa Joint Implementation ng Forest Land Use Plan sa SB Hall, Famy, Laguna noong 26 Pebrero 2021.

Nagkaroon ng maikling programa na dinaluhan nina Mayor Edwin V. Pangilinan; Vice Mayor Gertrudes S. Andaya; Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Mr.Tirso Alvin D. Lavina, III; Chairperson, Sangguniang Bayan Committee on Land Use Mr. Markdel A. Ferrer; Chairperson, Sangguniang Bayan Committee on Environment Ms. Charmaine P. Acomular.

Ito ay dinaluhan din nina Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, Ramil Gutierrez - Chief Conservation and Development Division, DENR CALABARZON at PENRO Ronilo L. Salac.

Layunin ng FLUP na maproteksyunan ang mga kabundukan ng Famy, higit lalo ang mga tinatawag na mga open access areas upang ito ay magamit sa pinaka-angkop at wastong gamit nito. Ang FLUP ay magiging gabay ng lokal na pamahalaan at ng DENR upang mapanatili at maproteksyunan ang kabundukan.

Ang nilagdaang MOA ay sumisimbolo sa pinagtibay na ugnayan at partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Famy at ng DENR CALABARZON tungo sa iisang layunin na mapangalagaan at mapanatili ang ganda ng mga kabundukan ng Famy, Laguna.