Narescue ang isang freshwater crocodile na may timbang na humigit kumulang 3.6 kilograms at may habang tinatayang 1.06 metro sa Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna. Ito ay nai-turnover ng City Environment and Natural Resources Office (City-ENRO) San Pedro na pinamumunuan ni Ms. Marilou Q. Balba sa PENRO Laguna noong 26 Pebrero 2021.

Base sa unang pagsusuri, ang nasabing freshwater crocodile ay nasa maayos na kalagayan. Agad naman itong dinala ng PENRO Laguna personnel sa DENR CALABARZON Regional Wildlife and Rescue Center na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna upang doon mabigyan ng tamang pangangalaga.