Print

Nilagdaan noong, 23 Pebrero 2021, ang isang Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at City Government ng San Pablo City, Laguna sa City Hall ng San Pablo, na naglalayong mapagbuti ang pangangasiwa at administrasyon ng mga “public lands” sa lungsod upang matulungan ang lokal na komunidad na magkaroon ng titulo ang kani-kanilang mga lupang tinitirikan at sinasaka upang bigyang seguridad ang bawat mamamayan sa kanilang pagmamay-ari sa lupa.

Dinaluhan ang nasabing paglagda nina City Mayor Loreto “Amben” S. Amante, City Assessor Ma. Elenita Rubi B. Diaz, City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. De Roma. Kasama din sina PENRO Ronilo L. Salac, CENRO Victor H. Mercado, Chief Technical Services Division Divina A. Villaluz, OIC-Chief Management Services Division Annabelle M. Barquilla at Chief Regulation and Permitting Section Luisa Luningning L. Santos.

Ang MOPA Signing ay ang paunang aktibidad sa ilalim ng Rapid Land Tenure Appraisal o RLTA. Ang RLTA ay isang barangay profiling activity para sa mga munisipalidad o siyudad na nasasaklawan ng Cadastral Survey na isinagawa ng pamahalaang nasyonal ilang taon na ang nakalilipas. Sa pamamagitan ng RLTA ay magkakaroon ng baseline data ang PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ng mga lupang maari pang mga mapatituluhan. Sa ilalim pa rin ng RLTA ay mapapabilis at lalong maisasaayos ang mga proseso at aktibidad ng pagpapatitulo. Kasunod ng paglada sa kasunduan ay ang cascading o pagsasagawa ng mga Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa lebel ng barangay upang maipaliwanag ang kahalagahan ng RLTA gayundin ang pag-iimbentaryo ng mga lupa at consolidation ng mga Cadastral Maps.