Print

NORTHERN LUZON GIANT CLOUD RAT (Phloeomys pallidus) ang nai-turned over ng City Veterinarian ng Antipolo City sa PENRO Rizal noong January 29, 2021.

Isang concern citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa Facebook Page ng Antipolo City patungkol sa nasabing buhay ilang. Batay sa report ng City Veterinarian Ms. Angelica Cardeno na isa ding Wildlife Enforcement Officer (WEO) ng Rizal, ang Giant Cloud Rat ay nakitang pagala-gala sa kabahayan ng Sitio Kulasisi, Antipolo kung kayat minabuting mahuli ito at ma-rescue.

Kilala sa lokal na pangalan bilang “Paroot”, ang Cloud Rat ay Nocturnal Rodent o mas aktibo sa pagsapit ng gabi.  Anim (6) sa mga species nito ang matatagpuan sa Pilipinas. Ilan dito ay kabilang sa threatened species base sa International Union for Conservation (IUCN).

Sa mga pinangangalagaang pook sa Probinsiya ng Rizal ang mga Paroot ay maaaring matagpuan. Ang Kaliwa Watershed Forest Reserve (KWFR) at Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRPL) ay ilan sa mga forest areas ng probinsiya ang nilalapatan ng programa ng DENR upang mapangalagaan at makoserba kabilang ang mga samut-saring buhay sa ilang nito.

Samantala, ayon kay Sir Noel Rafael, Curator and Conservation Program Director ng Avilon Zoo, may kalituhan sa pagtukoy ng mga cloud rat species. Kung kayat magsasagawa sila ng pag-aaral saklaw ang parehong species, Phloeomys pallidus at Phloeomys cumingi na maaaring matatagpuan sa bulubundukin ng Bulacan at Rizal. Dagdag pa dito, ang kahabaan ng Sierra Madre Mountain Range na nag-uugnay sa dalawang probinsiya. Aniya, “It would not be surprising if we do confirm that both species' range overlap in the province. What we need to know is their ecological relationship, hence the need for further surveys and field studies.”

Sa kasalukuyan, may pailan-ilan pa din ang mga reported incident na ang mga paroot ay napapadpad sa mga kabahayan ng upland barangays sa mga nasabing pook. Ang mga Cloud Rat na nai-turned over sa PENRO ay maayos na naibalik sa tama nitong tahanan.