Ngayong simula ng Taong 2021, ay ipinagpatuloy ng DENR CALABARZON, PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ang inisyatiba nitong gamitin ang mga replacement seedlings na mula sa mga Approved Tree Cutting Permit sa pagpapaunlad ng mga graduated National Greening Program (NGP) sites sa Lalawigan ng Laguna.

Ngayong araw ng Biyernes, Enero 8, 2021, ay nagkaroon ng isang Tree Growing Activity sa CY NGP 2015 50 ha. Indigenous Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Nakapagtanim ng 426 na punla ng Molave (Vitex parviflora) ang 46 nakalahok mula sa Lokal na Pamahalaan ng Siniloan na pinangunahan ni Mayor Ranier A. Leopando, MENR Office Siniloan, Sangguniang Kabataan (SK) ng Siniloan, Alpha Phi Omega (APO) Fraternity, Philippine National Police (PNP) Siniloan, at mga kawani ng DENR CALABARZON na pinangunahan nina Regional Executive Director Nonito M. Tamayo at Assistant Regional Director for Technical Services Alfredo Palencia, PENRO Laguna na pinangunahan ni PENRO Ronilo L. Salac at CENRO Sta. Cruz na pinangunahan naman ni OIC-CENRO Victor H. Mercado.

Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pamamagitan ng patuloy na pagpapakita ng buong suporta at partisipasyon ng mga nasabing organisasyon.

Patuloy ang panghihikayat ng DENR sa publiko na makiisa sa mga ganitong gawain upang patuloy na maprotektahan at mapagyabong ang mga natitira nating kagubatan at likas-yaman at maibalik ang dati nitong sigla.