Ngayong taon ay sinimulan ni OIC-CENRO Victor H. Mercado ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at iba pang ahensya ng gobyerno upang  patuloy na mapalakas ang samahan at lalong mapaigting ang pagpapatupad ng mga aktibidad at batas pangkalikasan.

Kaugnay nito, patuloy na nakipag-ugnayan si OIC-CENRO Victor H. Mercado sa mga alkalde ng mga Munisipalidad ng Victoria at Calauan, Laguna upang maging katuwang sa pagkamit ng mga itinakdang gawain para sa taong ito. Ang pakikipag-ugnayan na ito ay naglalayon din na personal na maiimbitahan ang mga nasabing alkalde sa isang Stakeholder’s Meeting na gaganapin sa Enero 18, 2020 na kung saan ay ilalahad ang mga proyekto, aktibidad at mga serbisyo publiko ng PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz para sa taong 2021.

Kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbisita si OIC-CENRO Victor H. Mercado sa mga Approved Tree Cutting permit sa Pila, Laguna at sa isang DPWH Road Widening Project sa Calauan, Laguna.