Noong Enero 4, 2021, kasabay ng pagbabalik trabaho ay binisita nina OIC-CENRO Victor Mercado, Enforcement and Monitoring Section Chief Marilyn D. Aguilon, Forester Daniel Arthur at Forester John Carlo Carandang ang ipinapagawang proposed impounding area at nursery ng CENRO Sta. Cruz na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang nasabing  impounding area ay nakamit sa pamamagitan ng isang kahilingan ng butihing OIC-CENRO Victor Mercado sa Panlalawigang Pamahalaan ng Laguna na mabigyan ng pook lagakan ang CENRO Sta. Cruz na may kabuuang  sukat na 2,000 sq.m para sa mga kumpiskadong produkto, kagamitan, makinarya, at sasakyan.

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng buong suporta ng Panlalawigang Pamahalaan ng Laguna sa pangunguna ni Governor Ramil Hernandez at ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) Laguna sa pangunguna ni PGENRO Marlon Tobias, ang nasabing kahilingan  ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagapruba ng Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan sa  bisa ng resolusyon na may bilang na 1169, Series of 2020.

Bukod sa imbakan ng mga kumpiskadong produkto, kagamitan, makinarya at sasakyan, ang CENRO Sta. Cruz Impounding Area ay magsisilbi din lagakan ng mga kahoy na naturn-over mula sa mga Road Construction/Widening Projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na napagkalooban ng Tree Cutiing Permit at nursery ng mga replacement seedlings mula sa mga approved Tree Cutting Permits.