Print

Ang Santa Cruz River ay isa sa anim na pangunahing ilog sa lalawigan ng Laguna. Kaya naman noong nakaraang taon ay inilaban ito ng CENRO Sta. Cruz para sa R.I.V.E.R.S For Life (Recognizing Individuals/Institutions Towards Vibrant and Enhanced Rivers) Program na kung saan nagkaroon ng kasunduan mula sa Sta. Cruz Watershed Integrated Management Association (SWIMA) Inc., at mga lokal na pamahalaan ng Rizal, Nagcarlan, Liliw, Majayjay, Magdalena, Sta. Cruz at Panlalawigang Pmahalaan ng Laguna upang maging katuwang sa pagpapatupad ng mga iba’t ibang aktibidad tulad ng Information Education and Communication (IEC) Campaign, Water Quality testing, Clean-Up Drives at paglalagay ng mga signage. Ang nasabing ilog ay tinatayang may haba na 155.31 kilometro at ang tubig nito ay nanggagaling mula sa Mt. Banhaw-San Cristobal Protected Landscape (MSCBPL).

Ngayong Araw ng Huwebes, Enero 14, 2021, ay nakiisa ang CENRO Sta. Cruz sa isinagawang Clean-Up Drive ng PGENRO Laguna sa Santa Cruz River. Gamit ang limang (5) bangkang de motor, ay binaybay ang Sta.Cruz River patungo sa direkyon ng Laguna de Bay upang kuhanin ang mga lumulutang na mga basura sa nasabing ilog.

Bukod dito, nagpakawala din ng 30,000 fingerlings na pula at itim na mga Tilapia na maaring pagkunan ng makakaen hindi lamang ng mga kalapit na komunidad, gayun din ang iba pang mga namumuhay sa nasabing ilog.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 32 na kalahok mula sa PGENRO Laguna na pinangunahan ni Ginoong Marlon Tobias, MAO Santa Cruz na pinagunahan ni Ginoong Victorino Relocano, MDRRMO Santa Cruz na pinagunahan ni Ginoong Joshua Vitaliz, Municipal Administrator Melvin Bonza, FARM-C Sta. Cruz at mga kawani ng DENR CENRO Sta. Cruz.

Ipagpapatuloy ng CENRO Sta. Cruz ang mga sinimulan nitong mga hakbang para sa pagpapabuti ng kalagayan Santa Cruz River katuwang ang mga nabanggit na mga stakeholders.

“Sama sama, Tulong tulong para sa Santa Cruz River”.