Sa ilalim ng programang ‘Tayo Ang Kalikasan’ (TAK) ng Kagawan ng Kapaligiran at Likas Yaman, isang kasunduan ang nilagdaan ng Ushio Philippines Incorporated sa pagitan ng DENR CALABARZON ngayong ika-17 ng Pebrero 2021 na ginanap sa tanggapan ng Ushio Phil. Inc., FCIE, Dasmariñas City, Cavite.

Ang kasunduan ay naglalayon na mapayabong at makapagtanim ng mga punla ng indigenous trees sa 5,000 metro kwadradong plantasyon na matatagpuan sa Barangay Halang, Amadaeo, Cavite alinsunod sa implementasyon ng Enhanced National Greening Program (eNGP) sa buong bansa, sa tulong ng lokal na komunidad at mamamayan sa nasabing lugar.

Ang kasunduang ito ay naisagawa sa pangunguna ni Gg. Domingo B. Balde Jr., General Manager na sinaksihan naman ni Gng. Epigenia A. Graida, HRD & ADMIN Sr. Manager ng Ushio Phil. Inc., at ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonita M. Tamayo na na-una nang nilagdaan ang nasabing kasunduan.