Print

Sta. Cruz CENR Officer Victor Mercado noong tree planting activity

Kahapon, September 10, 2020, ay nagsagawa ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DENR at ng Laguna Provincial Police Office na naglalayon na mag-adopt ng Sampung (10) ektarya mula sa CY 2016 259 ha. NGP Timber Plantation sa Brgy. Tala, Rizal, Laguna.

Layunin ng MOU na mailunsad ang proyektong SPLaKaM “Samahang Pulis Laguna, Kapanalig Mo at Makakalikasan” ng Laguna Provincial Police Office sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong suporta ng DENR at ng lokal na pamahalaan.

Ang SPLaKaM ay isang proyekto na naglalayon na magkaroon ng direktang pakikilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagpapalaki at pagpapanatili ng mga itatanim na mga puno bilang tugon sa banta ng pabago-bagong panahon.

Nagsagawa naman ng isang maikling lecture si Hon. Vice Mayor Antonino Aurelio patungkol sa mga benepisyo na maaring makuha sa pagtatanim ng mga puno. Dagdag pa rito, nabanggit din niya ang wastong pamamaraan sa pagtatanim ng puno.

Kasabay ng paglagda ng MOU, ay nagsagawa din ng isang Tree Planting Activity na kung saan itinanim ang 2,000 na mga punong kahoy tulad ng Narra, Kalumpit, at Tangisang Baguio sa apat (4) mula sa sampung (10) ektarya na kanilang iaadopt na NGP Plantation.

Ang mga nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Hon. Mayor Vener Muñoz, Hon. Vice Mayor Antonino Aurelio, PLTCOL Pastor Castillo, PCOL Serafin Petalio III, DENR IV-A Regional Executive Director Nonito Tamayo, ARD for Technical Services Alfredo Palencia, PENRO Ronilo Salac, CENRO Victor Mercado, Chief, CENRO CDS Elisa Apolinario De Vera, Chief, PENRO CDS Melvin Lalican, DENR CALABARZON personnel, PENRO Laguna personnel, CENRO Sta. Cruz personnel, at mga Kapulisan mula sa Laguna Provincial Police Office. ###