Binigyang pagkilala ng DENR CALABARZON Regional Office si LMO I Aileen R. Acebuche para sa kanyang pagkamit ng mga itinakdang gawain sa Free Patent Issuance noong 2022.

Si LMO I Acebuche ay hinirang bilang pangalawa sa may pinakamataas na numerong nakalap at naprosesong Free Patent sa buong rehiyon ng CALABARZON, kung saan, nakapagtala siya ng 106 na patente nang nakaraang taon.

Ito ang pangatlong beses na nakuha ni Gng. Acebuche ang pagkilala. Matatandaan na siya ay ginawaran din taong 2020 at 2021 dahil sa mabilis niyang pagtugon sa nasabing programa ng DENR. Ang nasabing pagkilala ay iginawad ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee ng DENR CALABARZON.

Lubos na ipinagmamalaki at ikinararangal ng CENRO Sta. Cruz ang iyong nakamit na tagumpay, LMO I Aileen R. Acebuche!