
Mahigit sa 1,000 katao ang nagsama sama sa iba’t ibang clean-up sites sa rehiyon ng CALABARZON upang lumahok at makiisa sa International Coastal Cleanup mula ika 15 hanggang 17 ng Setyembre. Ang tema ngayong taon ay “Fighting for Trash Free Seas – Pilipinas: Ending the Flow of Trash at the source”.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng DENR CALABARZON, Provincial, at Community ENR Offices, kaakibat ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, pribadong kumpanya, Non-Government Organizations, Youth Organizations, at iba pang volunteer groups.
Patuloy ang adhikain ng DENR CALABARZON na panatilihin ang kalinisan ng ating mga karagatan at katubigan.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Press Releases
- Published: 17 September 2022