Calamba City, Laguna - Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Batangas City, ay nagsagawa ng mas pinalawak na programa ng handog titulo para sa mga Batangueños. Nito lamang Oktubre, apat (4) na Agricultural Patent at 14 na Residential Patent ang iginawad sa mga residente ng mga Barangay ng Sampaga, Libjo, Banaba Center, Banaba West, Kuta, Sta. Rita Kalsada, Kumintang Ilaya, at Concepcion sa Programang Handog Titulo sa ilalaim ng Rapid Land Tenure Agreement (RLTA).

Ang programa na ito ay bunga ng opisyal na paglagda ng Memorandum of Partnership Agreement at DENR CALABARZON noong Pebrero 2014. Sa kasalukuyan ay nakapag gawad na ng mahigit 218 na libreng patitulo sa mga residente ng Batangas City.

Lahad ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, “Noong taong 2020 po ay nakapag isyu po tayo ng libreng patitulo sa buong probinsya ng Batangas sa ating 782 na kababayan. Ngayong taon po ay patuloy po tayo sa pagsasagawa ng Handog Titulo Program at iba pang aktibidad para makapag bigay ng maganda at karapat dapat na serbisyo sa ating mga kasama dito sa buong CALABARZON.”

Ang Handog Titulo program ay alinsunod po sa ating DENR Priority Program na Improved Land Administration and Management, na naglalayong makapag isyu ng parehong residensyal at agrikultural na libreng patitulo.

Para makilahok sa libreng patitulo ng DENR, maaaring makipag ugnayan ang mga LGUs sa pinakamalapit ng DENR Office sa inyong lugar. Maaaring magpadala ng kahilingan ang mga Punong Bayan sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Kung may katanungan, maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 - 48 local - 121. Sundan ang opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/ para sa iba pang updates.  ###