Print

Antipolo, Rizal - Dalawang libong bamboo ang itinanim sa kahabaan ng apat (4) na ektarya bilang parte ng streambank protection sa Purok Canumay, So. San Ysiro, Brgy. San Jose, Antopolo, Rizal sa loob Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL). noong 24 Setyembre 2021. 

Dinaluhan at pinangunahan ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ang nasabing aktibidad kasama sina Philippine Bamboo Industry Development Council PBIDC) Executive Director Butch Madarang, DENR Central Office Tayo Ang Kalikasan Focal Person Mr. Robie Feliciano, DENR CALABARZON Assistant Regional Director Alfredo Palencia, Rizal PENR Officer Ramil Limpiada, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Antipolo at Barangay San Jose, at mga miyembro ng AFP at PNP na pinangunahan nila 1LT Eduardo O Gutierrez (OS) PA, AFP, 80th Infantry Battalion 2ND Infantry Division at PCpt. Angelo M Abarzosa Campany Commander, 404th AMC, RMFB4-4.

“Ang pagtatanim ng kawayan ay isang malaking bahagi ng intensified watershed management, under the Task Force - Build Back Better, napakalaki po ng ating efforts sa pag gamit ng kawayan sa riverbank stabilization” ani RED Tamoria.

Sa kasalukuyan ay nakapag tanim na ng bamboo sa 100.1 kilometro na may katumbas na 801 hektarya sa loob ng UMRBPL, katuwang ang 11 People’s Organization sa loob ng protektadong pook.

Dagdag ni RED Tamoria, “napakalaki po ng impact ng ating gagawin na bamboo tree planting activity sa UMRBPL at sa kabuuang impact po nito sa kalunsuran ng kalakhang Maynila.”

Pinaalalahanan naman ni Purok Canumay Chairman Edgar Odencio ang mga residente ng lugar na bigyang kahalagahan ang mga ganitong inisyatibo ng pamahalaan para din sa kanilang kaligtasan. 

Bilang suporta ng PBIDC sa mga inisyatibo ng ahensya ay personal na inigawad ni Director Madarang ang kopya ng Philippine Bamboo Industry Development Roadmap sa DENR CALABARZON. 

Ang aktibidad na ito ay pakikiisa rin sa selebrasyon ng World Bamboo Day na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. ###