Print

Calamba City, Laguna - Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON ay mag sasagawa ng isang bamboo tree planting activity sa Sitio Canumay, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal sa darating na 24 Setyembre kaugnay ng selebrasyon ng World Bamboo Day. Ang inisyatibo na ito ay kaugnay rin ng patuloy na implementasyon ng riverbank stabilization sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL) sa probinsya ng Rizal.

Katuwang ang 11 People’s Organization (PO) ay nakapag tanim na ng bamboo sa 100.1 kilometro na may katumbas na 801 hektarya sa loob ng protektadong pook. Ang patuloy na inisyatibo ng ahensya ukol sa pagtatanim ng bamboo ay kaugnay ng river stabilization at streambank protection sa loob ng UMRBPL. Ito ay magiging malaking tulong maiwasan ang pagguho ng lupa at pagsama nito sa  ulan at baha na maaaring rumagasa sa mga karatig na bayan ng Rizal. 

Dalawang libong bamboo ang nakatayang itanim sa gaganaping bamboo tree planting activity na may habang apat (4) na hektarya. Ang mga opisyal ng DENR CALABARZON, PENRO Rizal, Lokal na pamahalaan ng Antipolo at Barangay San Jose, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP) ang mangunguna sa gagawing aktibidad.

Ang World Bamboo Day ay ipinagdiriwang tuwing 18 Setyembre ng bawat taon. Ang tema ngayong taon ay, “Alay ng Bayan sa Inang Kalikasan, Kawayan”. Nais bigyang importansya ng selebrasyon na ito ang kahalagahan ng bamboo sa proteksyon ng likas na yaman at kalikasan.

Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa may mga sumbong ukol sa ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 - 48 local - 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###