Print

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON ay patuloy ang rehabilitasyon at recovery efforts para sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL).

Ilan sa inisyatibo ng ahensya ay ang patuloy na pagtatanim ng bamboo para sa riverbank stabilization, delineation ng river easements, pagtatayo ng mga check dams, pagtataguyod ng National Greening Program (NGP) site, patuloy na pag aalaga at pagpapayabong ng forest cover ng Protected Area, at ang pinaigting na pagprotekta sa kagubatan at ang implementasyon ng batas pangkalikasan.

Para sa patuloy na pagpapaigting ng Flood Mitigation at Intensified Watershed Management para sa UMRBPL ay nakapagtanim na ng bamboo sa 615 ektarya sa loob ng PA kaugnay sa riverbank stabilization activities ng ahensya. Ito ay magiging malaking tulong maiwasan ang pagguho ng lupa at pagsama nito sa  ulan at baha na maaaring rumagasa sa mga karatig na bayan ng Rizal. 186 ektarya pa ang nakatayang taniman ng bamboo ngayong taon. Nakapagtayo na rin ng 19 yunit na check dams at 5,000 cubic meter (cu. m.) na gabions sa Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal.

Sa ilalim ng NGP ay nakapagtanim na sa 200 ektaryang plantasyon ng rattan. Dagdag pa rito ang naitanim na 291 ektaryang plantasyon ng indigenous species at 20 ektarya para sa Timber.                                                                                 

Katuwang ng ahensya sa mga inisyatibo at aktibidad na ito ang labing-isang (11) People’s Organization (PO) sa loob ng PA.

Nagdagdag rin ng mga checkpoint na papangunahan ng mga kawani ng Army sa Brgy. Pinugay, Rizal. Dagdag pa rito ay ang patuloy na pakikipag ugnayan ng DENR sa mga lokal na pamahalaan sa loob ng PA para masigurado ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasaan sa nasabing protektadong pook.

Nakatarget din ang pagsasagawa ng deputation training para sa mga kawani ng PNP Special Action Forces, Bureau of Corrections, Philippine Army, at iba pang law enforcement agencies para maging DENR deputized environmental officers.

Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa may mga sumbong ukol sa ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 - 48 local - 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###