Calamba City, Laguna - Bilang patunay na malinis ang tubig sa Pangil River ay ipinakita ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang kanyang pag inom ng tubig mula sa ilog ng Pangil sa loob ng Panguil River Eco Park. Ang ilog na ito sa Lalawigan ng Laguna ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamalinis sa buong Pilipinas.

Sa kasalukuyan ang ilog ay may klasipikasyon na Class B, kung saan ang ito ay maaaring gamiting panligo. Ayon sa datos na inilabas ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) nitong Pebrero, ang Pangil River ay may Fecal Coliform Count na 15, 021 mpn/100 ml na mas mababa sa naitalang datos na nakuha noong Enero, 2021 at ito ay 16,146 mpn/100 ml .

Kaugnay nito, ay nagbigay ng hamon ang kalihim na mapanumbalik ang klasapikasyon ng ilog sa Class A sa loob lamang ng tatlong (3) buwan.

Ang aktibidad na ito ay nilakuhan din nila Environmental Management Bureau IV-A Regional Director Noemi Paranada, Assistant Director for Management Services Alfredo Palencia, Laguna PENR Officer Ronilo Salac, Sta. Cruz CENR Officer Bernardita Daliva, Pangil Mayor Gerald Aritao, Vice Mayor Divine Grace Astoveza, at iba pang kawani ng DENR.

Nagbigay ng pasasalamat ang LGU ng Pangil sa pangunguna ni Mayor Aritao sa pagpapahalaga ng Kalihim sa kanilang bayan

Nagbigay ng pasasalamat ang LGU ng Pangil sa pangunguna ni Mayor Aritao sa pagpapahalaga ng Kalihim sa kanilang bayan

 

Si DENR CALABARZON RED Tamoria habang nag papaliwanag ng mga inisyatibo at patuloy na pakikipag ugnayan, kasama ang PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz, sa Pangil LGU upang maipag patuloy ang tamang pamamahala at proteksyon sa nasabing ilog

Si DENR CALABARZON RED Tamoria habang nag papaliwanag ng mga inisyatibo at patuloy na pakikipag ugnayan, kasama ang PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz, sa Pangil LGU upang maipag patuloy ang tamang pamamahala at proteksyon sa nasabing ilog

 

Ang Pangil River ay may haba na 14.9 km na nasasakop ng mga barangay ng Natividad, Isla, Balian at San Jose sa bayan ng Pangil.

Ang site visit ay isinagawa ng may ibayong pag-iingat at pagtalima sa mga minimum protocols / health standards na ibinaba ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa COVID-19.

Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa may mga sumbong ukol sa ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 - 48 local - 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###