Print

Calamba City, Laguna - Personal na bumisita at nag inspeksiyon si Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa mga DENR Field Office sa probinsya ng Quezon. Inikot niya ang mga opisina ng DENR sa Lucena City, Calauag, Catanauan, Tayabas, at Real. Binigyang diin ni Direktor Tamoria ang implementasyon ng DENR priority programs sa ilalim ng kanyang pamumuno. Aniya, magandang bigyan natin ng halaga ang potensyal ng probinsya sa direksyon ng conservation at development.

Pagpupulong kasama si RED Nilo Tamoria sa mga kawani ng  PENRO Quezon at CENRO Tayabas

Pagpupulong kasama si RED Nilo Tamoria sa mga kawani ng PENRO Quezon at CENRO Tayabas

Para sa conservation, lumagda si Direktor Tamoria ng kasunduan sa  mga munisipyo ng San Andres at Gumaca kaugnay ng pagbalangkas at pagsasakatuparan ng Forest Land Use Plan (FLUP). Ang kasunduang ito ay naglalayon na protektahan at pangalagaan ang natitirang forest land sa rehiyon ng CALABARZON. Sa kabuuan ay mayroong 5,895.74 ektarya na forest land ang San Andres, at 872.7 ektarya naman ang sa Gumaca.

Opisyal na paglagda ng FLUP sa munisipyo ng Gumaca (kaliwa) at San Andres (kanan)

Opisyal na paglagda ng FLUP sa munisipyo ng Gumaca (kaliwa) at San Andres (kanan)

 

Binisita din ni Direktor Tamoria ang estado ng mga lugar ng National Greening Program (NGP) na itinanim noong 2011, kung kailan siya ay Regional Executive Director din ng DENR CALABARZON, ay nag uumpisa pa lamang.  Sa kanyang pagbabalik, ay nakapag tanim na ng 146 NGP Site na may kabuuan na 11,553 ektarya sa loob ng munisipyo ng Catanauan, Mulanay, General Luna, Macalelon, San Andres, San Francisco, at San Narciso sa Quezon. Sinabi ni Direktor Tamoria na hinihikayat niya ang pribadong sektor na maging aktibong katuwang ng DENR sa patuloy na pagtatanim ng mga puno sa kabuuan ng Rehiyon.

Sa development, nakiisa din ang DENR CALABARZON sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pagsuporta  sa proyekto ng Barangay Development na nagkakahalaga na 40 milyon para sa Brgy. Lumutan at Pagsangahan sa General Nakar, Quezon. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng suporta sa mga barangay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nais ding bigyang diin ni RED Tamoria ang ridge to reef approach, at paalala na konektado ang epekto ng lahat ng environmental activities na ginagawa natin sa ating mga  kabundukan hanggang sa kailaliman ng ating mga karagatan. Ito din ang naging paksa niya sa pagbisita kay Congresswoman Helen Tan ng 4th District ng probinsya ng Quezon at Governor Danilo “Danny” Suarez. Isang mainit na pagtanggap ng parehong opisyal sa inilahad ni RED Tamoria at sila ay parehong nagpahayag ng suporta sa mga inisyatibo kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan sa probinsya.

 

Courtesy call kay Congresswoman Helen Tan (kaliwa) at Governor Danilo Suarez (kanan)

Courtesy call kay Congresswoman Helen Tan (kaliwa) at Governor Danilo Suarez (kanan)

 

Hinihikayat ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa mga sumbong ukol sa ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 - 48 local - 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###