Noong ika-28 ng Hunyo ay ganap nang nilagdaan ang Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at Lokal na Pamahalaan ng Mendez, Cavite.
 
Ang paglagda sa MOPA ay magbibigay daan sa lalong mas mabilis na pagpapatitulo ng lupa sa pamamagitan ng Rapid Land Tenure Appraisal (RLTA) sa bisa ng DAO No. 2011-06 “Prescribing the Guidelines for the Implementation of Public Land Titling in Partnership with Local Government Units” na nilagdaan noong ika-23 ng Mayo 2011.
 
Bukod dito, ilan sa mga benepisyong hatid ng MOPA ay ang (1) pagbibigay daan sa LGUs at DENR upang maisagawa ang land administration at management activities na may pagtutok sa land titling; (2) Pagpapadali ng daloy ng mga nasyonal na programa at proyekto sa LGU upang mas mapag-igi ang pagbibigay ng pampublikong serbisyo para sa mas epektibong lokal na pamamahala; (3) Pagsisiguro ng partisipasyon ng LGUs mula sa pagpapalano hanggang sa implementasyon ng mga nasyonal na proyekto; at (4) Pagpapatibay ng mandato ng LGU sa administrasyon at pamamahala ng land resources ng bayan.
 
Sa kasalukuyan, tatlong munisipalidad pa lamang sa Probinsya ng Cavite ang pormal na katuwang ng DENR CALABARZON sa pagpapatitulo ng lupa. Ito ay ang mga munisipalidad ng Carmona, Magallanes, at Mendez.
 
Hangad ng DENR na mas maraming munisipalidad at siyudad ang maging kasangga nito para sa mas mabilis na pagpapatitulo ng mga lupa. Ani DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria “Sana po ito ay maging hudyat para sa ating constituents na umpisahan ang pagpapatitulo ng kanilang mga lupa para po sa mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan at ng ating bansa”. ###