Print

Calamba City, Laguna – Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Department of Environment and Natural Resources) CALABARZON, kasama ang ilang miyembro ng Lions Club International (LCI) sa ilalim ng Distritong 301-A2 at sa  ilalim ng pamumuno ng Gobernador at Pangalawang Kalihim sa Pamamahala ng mga Solidong Basura at mga Usapin ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan at Tagapangasiwa ng Estratehikong Komunikasyon at mga Pagpapasimunong Serbisyo (Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns and Supervising Undersecretary for Strategic Communication and Initiatives) Benny D. Antiporda at Charter President Maria Zenaida J. Ruiz ay nagsagawa ng paglagda sa isang Kasulatan ng Pagkakaunawaan (Memorandum of Understanding) sa mga piling paaralan sa rehiyon na may mga Environment and Natural Resources (ENR) Ambassadors.

Ang kasulatan ay sa pagitan ng DENR CALABARZON at mga piling paaralan sa rehiyon na naglalayong sumuporta sa kampanyang Tayo Ang Kalikasan (TAK) upang paigtingin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pangangalaga, at pangangasiwa ng kalikasan at likas na yaman. Nais din paigtingin ang kanilang pakikilahok sa mga programa at mga aktibidad sa pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa mga adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran.

Bilang suporta sa mga ENR Ambassadors, nakapag-procure ng 165 na Prepaid Wifi units ang DENR CALABARZON. Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng 63 units ng Prepaid Wifi sa mga 18 na piling paaralan sa Rehiyon:

  1. Banay-banay Elementary School at Cabuyao Lions Club;
  2. Aplaya National High School (Sta. Rosa, Laguna) at Sta. Rosa Centennial MJF;
  3. Sto. Angel National High School (San Pablo City, Laguna) at San Pablo Lake City MJF;
  4. Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School (San Pablo City, Laguna) at Seven Lakes MJF;
  5. Dolores National High School (San Pablo City, Laguna) at San Pablo Emerald MJF;
  6. Rosario National High School (Rosario, Batangas) at Lipa Metro Centennial;
  7. Cavite West Point College de Cavite City Branch at Cavite City Lions MJF;
  8. Dr. Jose P. Rizal Senior High School (Dasmariñas City, Cavite);
  9. Francisco Barzaga Integrated High School (Dasmariñas City, Cavite);
  10. Paliparan III Senior High School (Dasmariñas, Cavite) at Cavite Educators Lions Club;
  11. Dasmariñas East Integrated High School at Cavite Educators Lions Club;
  12. Paliparan II Integrated High School at Cavite Educators Lions Club;
  13. Gov. Luis A. Ferrer, Jr. East National High School (General Trias, Cavite) at General Trias Lions Club;
  14. GMA Technical High School (GMA, Cavite) at GMA Holy Family MJF;
  15. Tagaytay City National High School (Tagaytay City, Cavite) at Tagaytay La Prairie Host;
  16. Francisco P. Tolentino Integrated High School (Tagaytay City, Cavite) at Amadeo Class 86th;
  17. Tanza National Trade School (Tanza, Cavite) at Cavite Filam Educators 101; at
  18. Tanauan City Integrated High School (Tanauan, Batangas) at Tanauan City Lions Club.

Nakadalo rin ang presidente ng Dasmariñas Lions Club PMJF G. Gilbert C. Mendoza at mga tagapangulong rehiyon na sina Cynthia Abellar at Ramil Gualberto.

 

 

Ang ENR Ambassador Summit ay inilunsad noong Disyembre 17, 2020 na nilahukan nila USec Antiporda, dating DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, National Youth Desk Officer (NYDO) Joseph Villaflor, at iba’t ibang Information Officers at Youth Desk Officers ng DENR CALABARZON.

Ayon kay USec Antiporda, ang ENR Ambassador Summit ay simula pa lamang ng mas maraming kolaborasyon ng DENR para sa mas pinatibay na suporta para sa ating mga kabataan at mag-aaral. Ang ikalawang bahagi ng ENR Ambassador ay gaganapin ngayong 2021.

Para sa mga nais makipag ugnayan ukol sa ENR Ambassador, maaari pong magpadala ng sulatroniko sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Hinihikayat din ng DENR CALABARZON ang publiko na magsumbong ng ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan. Lahat ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###