Calamba City, Laguna – Pagbungad ng Enero, ay nagsagawa ng sunod sunod na tree planting activities ang DENR CALABARZON sa Laguna at Rizal. Mahigit kumulang na 12,100 na puno ng native at fruit bearing nag naitanim kasama ang iba’t ibang ahensya.

Nitong ika-31 ng Enero sa SAF Quartering, Sitio Canumay, Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal, nagtanim ng higit sa 10,000 na puno ang PNP,  SAF, AFP, BUCOR, PRO4A, na pinangunahan nila Police Genereal Debold Sinas at DENR Under Secretary for Special Concerns Edilberto Leonardo. Kasama ang mga kawani ng DENR CALABARZON at PENRO Rizal. 

Ang mga punong naitanim ay kinabibilangan ng 1,300 na Malaikmo, 100 na Laneta, 400 na Lauan, 650 na Dalingdingan, 7,000 na Narra, 70 na Durian, 50 na Sampaloc, 300 na Star Apple, at 150 na Kamagong.

 "Ang isa sa core values natin ay makakalikasan. Dapat hindi lang tayo sa enforcement, but also sa protection ng environment. Ang concept po ng ginagawa natin sa Oplan Kalikasan ay hindi lang basta nagtatanim, we have to identify areas for protection and planting. Hindi lang tayo nagti-tree planting kung hindi, aalagaan din natin ang ating tinanim...we plant this not just for compliance, we plant this to live and grow at aalagaan natin", ani PGen Sinas.

Sa kabilang banda, sabi ni USec Leonardo, "Ang gusto natin ay wala na pong magputol ng puno. Ang konsepto po ng ating protection program ay 'yong ating remaining na intact na kagubatan ay babantayan na po natin. Lalagyan na po natin ng pulis, ng army to allow 'yong regeneration ng sarili niya". Inirekomenda rin ni USec Leonardo ang pagtatanim sa coastal areas. 

Ang lahat ng kalahok ay nanumpa na ang lahat ay patuloy na magtatanim at pangangalagaan ang kalikasan.

Paglagda ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo sa Pledge of Commitment sa Tree Planting activity na isinagawa noong 31 Enero sa Antipolo (A. Saños)Paglagda ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo sa Pledge of Commitment sa Tree Planting activity na isinagawa noong 31 Enero sa Antipolo (A. Saños)

 

Noong nakaraang ika-23 ng Enero ay nagsagawa rin ng isa pang tree planting activity ang DENR CALABARZON kasama ang mga kalahok ng Environment and Natural Resources Academy (ENRA) Frontline and Basic Course. 1,000 puno ng Narra ang itinanim ng mga kalahok sa Brgy. Sto. Niño, Tanay, Rizal.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng tree planting activity sa Masungi Georeserve, Baras Rizal ang DENR CALABARZON kasama ang 400 kawani mula sa AFP, PNP, BFP, BUCOR, EPETF,  pamilya ng PNPA Kaagapay Class of '96, local na pamahalaan ng Baras, mga kalahok ng ENRA Frontline Course, at mga local na media noong 10 Enero, kung saan higit din sa 1,000 puno ng native at fruit trees ang ating itinanim.

"Itong ating gagawin ngayon ay parte ng National Greening Program upang maibalik ang ating nawawalang kagubatan. Sana ay maging regular na parte ng buhay natin ang pagtatanim ng puno hindi lang sa mga watersheds kung hindi sa mga likod bahay natin at bakanteng spaces sa ating mga lugar. Hindi lamang ito para sa atin kung hindi para sa mga susunod pang henerasyon", ani DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo.

Ang PENRO Laguna naman ay nakiisa rin sa isang tree planting activity na isinagawa ng Suntrust Property Inc. sa Calamba City, Laguna kung saan sila ay nakapag tanim ng 100 na fruit bearing trees.

Lahat ng puno na naitanim sa mga tree planting activity ay patuloy  na pangangangalagaan nga mga katuwang na public at private sector partners ng DENR CALABARZON para sa tiyak na paglaki ng mga itinanim na species.

Ilan sa mga benepisyong hatid ng pagtatanim ng puno ay ang pagsisilbing carbon sink, nakatutulong upang maiwasan ang pagbaha, at pagsisilbing tahanan ng mga buhay ilang. 

Para sa mga nais makipag ugnayan para sa mga tree planting activities, maaari pong magpadala ng sulatroniko sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Hinihikayat din ng DENR CALABARZON ang publiko na magsumbong ng ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan. Lahat ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369. Ang mga retrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON:  https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/.  ###