Print

Ang Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman ng Rehiyon IV-A (CALABARZON), sa pamamagitan ng Conservation and Development Division at Provincial Environment and Natural Resources Office Cavite, ay nauna nang nagsagawa ng pagtatanim ng bakawan at paglilinis ng baybayin sa San Rafael IV, Noveleta, Cavite noong July 24, Biyernes, upang ipagdiwang ang International Day for the Conservation of Mangrove Ecosystem ( na pumatak sa araw ng Linggo, July 26).

Ang CALABARZON ay may kabuuang land area na higit isang milyong ektarya. Higit isang libong ektarya nito ay mga mangrove plantation na maaaring naturally growing o itinanim sa ilalim ng iba’t ibang proyekto o programa kaya ganon na lang ang pagbibigay halaga at pangangalaga sa mga ito - “Marami po ang naibibigay na tulong sa atin ang mga bakawan. Unang-una po, ito ay nagsisilbing tirahan ng ating mga buhay-ilang kagaya na lamang ng iba’t-ibang uri ng ibon at mga isda. Ito rin po ay nagsisilbing nutrient enrichment at fish stock replenishment ng ating mga coastal waters. Pollution/Carbon sink din itong maituturing. Ibig sabihin po ay mas marami po itong inaabsorb na carbon kaysa inilalabas. Malaki rin po ang naitutulong nito sa kabuhayan ng mga mamayang malapit sa coastal (area). Bukod po rito, nagsisilbi po itong buffer at panangga sa panahon ng sakuna. Pinoprotektahan po ng mga bakawan ang mga komunidad na malapit sa coastal areas.” Ani ni Ramil J. Gutierrez, ang OIC Chief ng Conservation and Development Division ng DENR CALABARZON.

Dalawampu't pitong (27) kilong basura ang nakolekta – karamihan dito ay mga boteng plastic, diaper at mga pambalot na gawa sa plastic. Bukod dito ay nakapagtanim ng isang daan (100) na mga propagules ng Rhizophora species

Kasama sa mga kalahok at nagtulungan para sa aktibidad na ito ay ang Forest Foundation Philippines (FFP), Municipal Environment and Natural Resources Office ng Noveleta, at Barangay San Rafael IV. Lumahok din sa event ang Noveleta Mangrove Farmers Association.

Para sa mga nais makiisa sa mga programa ng DENR CALABARZON, pwede pong makipag-ugnayan gamit ang email na This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa 09561825774/ 09198744369. Para sa mga latest updates sa mga aktibidad ng DENR CALABARZON mag like at follow ng Facebook Page @DENR4AOfficial at ang Instagram at Twitter @denrcalabarzon. ###