Print

Kamakailan ay nagbalak magpabagsak ang Okada Manila ng 130,000 lobo sa kanilang lugar upang markahan ang pagpapalit ng taon. Kabi-kabilang reklamo ang isinulat ng netizens ilang araw bago ang okasyon. Dahil dito, kinansela ng Okada ang pagpapabagsak ng lobo dahil na rin sa payo ng DENR (Nasa link na ito ang Opisyal na Pahayag ng Biodiversity Management Bureau). 

Samantala, tila nakasanayan na ng mga punerarya na ipamaalam ang mga pamilya sa kanilang namayapang kamag-anak sa pamamagitan ng mga lobong pinakakawalan sa himpapawid.  Winawari yatang ang lobo ay aabot sa langit na sana’y siyang kinahinatnan ng mahal sa buhay. Ang katunayan po ay nalagpak din naman sa lupa at nagiging dagdag kalat lamang.  Hindi kaya't ang ibig sabihin noon ay sa purgatoryo ninyo ipinadala ang mensahe?

Siguraduhin pong aabot ang mensahe sa mahal sa buhay at hindi sa purgatoryo.  At tandaan ang awitin, paumanhin sa nagsulat, Sa libing ng lolo, nagpalipad ng lobo, pinalipad sa langit, di ko na nakita, BASURA na pala, Sayang ang pera kong ibinili ng lobo, Sa bulong na lang sana, umabot pa ng langit.

Sa rehiyon ng CALABARZON, nais naming hikayatin ang mga Pamahalaang Lokal na ituring na littering ang pagpapakawala ng lobo dahil doon na rin naman ito patutungo.

Kaya't nagbibigay na kami ng babala sa mga punerarya at ibang party o event organizers, na magpapakawala ng lobo, pag may nagpadala sa amin ng reklamo ukol sa inyo, gaya ng pagbaha ng reklamo sa Cove Manila Balloon Drop sa Okada Manila, maari po kaming mag-file ng kaso ng paglabag sa RA 9003 (kopya ng RA 9003).

Para sa inyong mga reklamo, maaari ninyo kaming i-text sa +639456215007/ +639083340224, i-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o padalhan ng litrato/mensahe sa https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/ #ZeroWaste #DENRCalabarzon #TayoAngKalikasan