Print

Sa pangunguna ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, ang DENR CALABARZON ay nakiisa sa “Bagong Pilipinas Kick-off Rally” noong ika-28 ng Enero 2024 sa Quirino Grandstand sa Luneta. 

Kasama rin ni Director Tamoria si Assistant Regional Director for Technical Services Eriberto B. Saños, PENR Officer Ramil R. Limpiada at piling mga empleyado mula sa Regional Office, Provincial ENR Offices ng Rizal at Cavite. 

Ang mga kalahok ay nagpakita ng suporta sa layunin ng kasalukuyang gobyerno tungo sa pagbabago para sa ating sarili, komunidad, at bayan. ###