Print

Ang Patrol Sector 5 na binubuo ng mga kababaihang empleyado ng CENRO Real ay nagsagawa ng pagpapatrolya sa Mangrove area ng Barangay Silangan, Antikin, Abiawin, Binulasan, at Langgas, Infanta, Quezon noong ika 5 ng Disyembre, 2023.

Ilan sa naobserbahan sa nasabing pagpapatrol ay ay ang mga ibon kagaya ng Collared Kingfisher (Todiramphus chloris) at mga Tagak (Egretta garzetta).

Hinggil pa rito, bilang suporta sa pagpapatrolya, nagkaroon din ng aerial surveillance sa kalawakan ng bakawanan upang malaman ang pangkabuuang kalagayan nito. Nakapagtala ang grupo ng 14.03 kilometrong napatrolya at walang naitalang banta sa kapaligiran.###