Print

Ang Manila Bay Site Coordinating Management Office (MBSCMO) - Laguna ay nagsagawa ng Communication, Education, and Public Awareness (CEPA) patungkol sa batas na Republic Act (RA) 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na isinagawa sa mga paaralan ng Siniloan at Pangil, Laguna.

Ang CEPA ay isang pamamaraan upang iangat ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong impormasyon na magagamit nila bilang katuwang hindi lamang ng DENR, gayundin ng mga Lokal na Pamahalaan sa pagpapatupad ng naturang batas.

Nagsagawa ng isang pagsusulit upang masukat ang mga natutunan ng kabataan, kung saan hinamon ang mga ito na matukoy mula sa kanilang mga sarili kung papaano sila makatutulong sa pagpapatupad ng wastong pamamaraan ng pagtatapon ng mga basura hindi lamang sa kanilang paaralan, gayun din sa kanilang mga sariling tahanan.

Nagtapos ang nasabing CEPA sa palitan ng kaalaman, pagbibigay ng inspirasyon at paghikayat na maging kaisa sa patuloy na pangangalaga ng ating kapaligiran.###