
Bilang bahagi ng pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan, nagsagawa ng Landscape and Wildlife Indicator (LAWIN) patrolling ang mga kawani ng CENRO Real sa kabundukan ng Sitio Tamala, Brgy. San Marcelino, General, Nakar, Quezon. Ang grupo ng Sector 7 na binubuo ng mga kababaihan sa pamumuno ni FT 1 Margie B. Atendido ay nakapagpatrol ng 18.91 kilometro. Ilan sa mga naobserbahan sa pagpapatrol ay mga bakas ng mga ginawang pagputol sa ilang puno sa kabundukan. Bilang pagtugon sa banta, ang grupo ng Sector 7 ay nakipag-ugnayan sa Punong Barangay ng Brgy. San Marcelino at magsasagawa ng Information, Education and Communication campaign upang mapigilan ang mga bantang ito.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 28 March 2023