Print

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ang mga kawani ng DENR-CENRO Calaca ay lumahok sa "Purple Wednesdays" sa pamamagitan ng pagsusuot ng anumang kulay lila o “purple” noong unang araw ng Marso, at sa mga susunod na Miyerkules ng buwan.

Ang gawaing ito ay bilang pagsuporta sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas ng mga kababaihan. Isinasagawa rin ito upang bigyang pansin ang mga tagumpay ng kababaihan at talakayin ang patuloy at umuusbong na mga isyu at hamon na kanilang kinakaharap.

Inaanyayahan ng DENR ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month. Ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay lila tuwing araw ng Miyerkules at sa pagsali sa mga aktibidad na sumusuporta sa Buwan ng Kababaihan. #PurpleWednesdays