Bilang pagsuporta sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, ang Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Calaca, sa pangunguna ni OIC-CENR Officer Isagani Q. Amatorio, ay nakilahok sa Earthquake Drill na isinagawa ng Pamahalaang Panglungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona nitong ika-9 ng Marso, 2023.

Ang gawaing ito ay naglalayong palakasin ang mga kapasidad ng lahat ng sektor upang mabawasan ang mga panganib at epekto na dulot ng lindol.

Kabilang sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ay ang Bureau of Fire Protection at ang Philippine National Police.

Itaas ang kamalayan at kahandaan sa kaso ng posibleng emerhensiya sa lindol: laging tandaan ang DUCK, COVER and HOLD.