cenro real retirees2

Ang DENR-CENRO Real, Quezon ay nagsagawa ng programa at pagpaparangal sa pitong kawaning nagretiro noong 2022. Ito ay sina SEMS Aguinaldo Lugayan, Forest Technician II Noli Nequinto, Forest Ranger Arnel F. Simon, Forest Ranger Pedro V. Rutaquio, Cartographer I Romulo Riña, Cartographer I Ronnie Peñamante at Utility Worker Perla Purpura. Isa-isang pinakilala at binigyang pugay ng kapwa kawani ang mga nagretiro at sila ay binigyan ng Certificate of Recognition at Plaque of Appreciation. Nagkaroon ng mensahe si CENRO Oliver O. Olivo sa mga nagretiro at kanyang hinamon ang mga aktibong kawani ng CENRO Real na tumbasan at gawing inspirasyon ang mga naiambag ng mga nagretiro sa ahensya.