
Bilang pakikiisa sa National Day for Youth in Climate Action, dumalo ang mga Information Officer at Youth Desk Officer ng mga pampurok at panglalawigang tanggapan ng DENR CALABARZON sa Camp, Hike and Plant 2022 noong ika-10 ng Nobyembre, 2022 sa Lagadlarin Magrove Forest, Brgy. Lagadlarin, Lobo Batangas.
Ibinida na mga iba;’t ibang kalahok ang kanilang pyesa na may paksa na naglalayon na maipamahagi ang iba’t ibang aksyon patungo sa patuloy na pangagalaga at pagpapayabong ng ating kapaligiran at likas na yaman.
“Times’s Up” ang pamagat na ibinahagi ni Information Officer Michelle Nepomuceno ng DENR Laguna sa nasabing Spoken Word Poetry Contest. Sa nasabing pyesa, nagkaroon ng pagkukumpara sa ating kalikasan noon at sa mga nangyarai ngayon. Nilalayon nito na maipamulat sa kabataan ang kahalagaan ng pangagalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman at masaksihan ito ng mga susunod ng salin lahi.
Time’s Up
Isinulat ni: Michelle T. Nepomuceno
Bilang kabataan
Hindi ko maiwasang isipin
Ang pagkukumpara sa aking kinamulatan
At hinaharap ngayon
Mga luntiang bundok na babati sa aking
Mga mata sa pagbubukas ko ng binta sa umaga
Ngayo’y patag na
Ang katubigang tila krystal na kumikinang
Sa tuwing nasisinagan ng haring araw
Ngayo’y tuyo na
Ang sariwa at mahalimuyak na hanging hahalik
Sa aking pisngi na magbibigay kilig
Ngayo’y naghihikahos na
Anong nangyayari?
Tila kay bilis ng mga kaganapan
Bagama’t tayong lahat ay patuloy
Na umuusad ay parang napag-iiwanan
Ang kinagisnan nating kapaligiran
Nakikilala mo pa rin ba?
Masasabi mo pa rin bang ito ng iyong kinalakihan?
Nais kong malaman kung saan magsisimula
Nagsisimula na nga ba?
O may sisimulan pa nga
Malalakas na hampas ng hangin
Ang sumusugod sa iilang balwarte ng kagubatan
Ang sangkahayupan na walang tigil
Kakatakbo para sa kanilang sarili
At matinding ulan na lulunod
Sa progresong hindi angkop sa kalikasan
Tigilan na nating ang pagtuturo sa isa’t isa
Kung sino nga ba ang may pasimuno
Bagama’t masalimuot at mahaba ang ating lalakbayin
Tingin ko’y mas matagal na tayong
Inaaruga ng ating inang kalikasan
Lahat ay kikilos at makikinabang
Walang mapag-iiwanan
May punla na may dalang pag-asa
Muling sisibol ang bahaghari ng mga bulaklak
Makikita ang asul na kalangitan
Hindi malalagot ang agos ng katubigan
At patuloy na titindig ang mga kabundukan na handang magbigay ng ngiti sa ating mga labi
At magpoprotekta sa oras ng kalamidad
Oras na para ating sagipin ang inang kalikasan
Patuloy nating pangalagaan at payabungin ang Ating mga kinagisnan
Upang makita rin ng mga susunod na
Salinlahi ang kagandahan na hindi
Mababasa at makikita sa papel
Kung kaya’t
Huwag sana nating marinig ang salitang
“Time’s up!”
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 20 December 2022