Print

San Pedro City, Laguna – Isang sawa o Reticulated Python ang naiturn-over ng lokal na pamahalaan ng Pacita, San Pedro City, Laguna sa PENRO Laguna noong 25 ng Oktubre 2022. Ayon sa Barangay Pacita, ang nasabing sawa ay nahuli mula sa isang residential area sa kanilang barangay at agad namang itinurn-over ng mga residente sa kanila. 

Base sa inisyal na pagsusuri, ang sawa ay may habang walong (8) talampakan at may tinatayang bigat na walong (8) kilo, walang tinamong kahit anong sugat at nasa maayos na kondisyon. Ito ay agad ring dinala ng personnel mula sa Enforcement and Monitoring Section sa DENR CALABARZON Regional Wildlife Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna. 

Muli, hinihikiyat po ng PENRO LAGUNA ang publiko na wag mag-atubiling ipagbigay-alam o ireport sa aming tanggapan kung kayo man ay may makitang buhay-ilang (hayop o halaman) maging ang mga taong ilegal na nag-aalaga nito. Maaari kayong tumawag sa aming tanggapan sa numerong 049 536 5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o personal na magtungo sa aming opisina sa National Highway, Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna.