Sto. Angel, San Pablo City – Ang PENRO Laguna sa pamamagitan ng Monitoring and Enforcement Section ay nagsagawa ng maikling lecture / seminar tungkol sa mga bago o updated at umiiral na mga batas pangkalikasan na nagsilbing refresher course sa mga opisyal ng barangay ng Sto. Angel, San Pablo City, Laguna sa kanilang mga mahahalagang tungkulin at responsibilidad bilang katuwang ng pamahalaang nasyonal higit ng DENR sa maayos na pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan na ito. 

Kabilang sa mga tinalakay ang Tree Cutting Permit, Chainsaw Registration, Wildlife Registration at Solid Waste Management. Binigyang diin din sa talakayan ang mga kaukulang sertipikasyon na ibinibigay ng tanggapan ng Barangay upang maproseso ang mga permit na nabanggit. Layunin din ng nasabing lecture / seminar na ipaalala sa mga opisyal ng kanilang mahahalagang tungkulin tulad ng pagkakaroon ng sistema ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF) upang mapamahalaan ng wasto ang kanilang mga basura.