May humigit kumulang 5,000 na punla ng Kalapinay (Avicennia sp.) and naitanim sa 2015 NGP graduated mangrove plantation sa Brgy. Talisay, Calatagan katulong ang Toyota Motor Philippines (TMP), Samahan ng Mangingisda sa Brgy. Talisay (SMBT), Lian Fisherfolks Assocation Inc. (LFA). Dalampu’t isang (21) sako ng mga iba’t ibang klase ng basura ang nakolekta na agad din namang tinurn-over sa Barangay Talisay upang maitapon ng maayos sa kanilang sanitary landfill. 

Ang Toyota Motor Philippines ay nagbigay ng kanilang intensiyon na i-adopt din and nasabing plantasyon sa ilalim ng platapormang “Tayo ang Kalikasan”.