Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman ng Probinsya ng Rizal ay nagpamahagi ng mga materyales na may kinalaman sa pagpapalaganap ng mga impormasyon patungkol sa Pinangangalagaang Pook sa mga tenured migrants sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL). 

Ang layunin ng ganitong aktibidad ay upang malaman ng mga tao lalo na ang mga residenteng nakaukupa sa loob UMRBPL na ang lupang tinitirikan nang kanilang bahay ay nasa  Pinangangalagaang Pook kung kaya’t ang pagbebenta ng lupa, pagpapatayo ng mga konkretong istruktura, pangunguha ng halaman o hayop ay ilan lamang na itinuturing na isang iligal na gawain at sinumang lalabag nito ay may karampatang parusang ipapataw. 

Humigit kumulang na 180 na katao na ang nabigyan ng tote bag simula noong Agosto. Patuloy pa rin ang pamamahagi nito at inaasahang maibibigay ang 300 na Tote bag hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Ilan lamang ito sa mga aktibidad na patuloy na ginagawa ng mga empleyado nang nasabing opisina upang masiguro na naipapabatid nila sa publiko ang mga mandato ng gobyerno upang proteksyonan at ang ating kapaligiran.