Inilunsad ng Kabataang opisyales ng PENRO Rizal and Basura Buster App at Mascot na pinangunahan ng Regional Strategic Communication Initiatives Group (RSCIG) ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman -  Calabarzon sa Ynares Hall Center, Antipolo City.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga Sangguniang Kabataan mula sa iba’t-ibang bayan ng Probinsya ng Rizal. Bahagi nito ang pagtuturo sa kanila ng tamang pagbubukod ng mga basura sa pamamagitan ng makabagong game application. Ang layunin nito ay magkaroon ng kaalaman ang mga bata tungkol sa angkop na lagayan ng basura base sa kung ito ay nareresiklo, nabubulok o hindi nabubulok. 

Kasama rin sa programa ang Basura Buster Mascot na naging simbolo ng kahalagahan ng pagwawasto ng basura upang mas madaling maintindihan ng mga tao.

Sa pagtatapos ng programa, nagbahagi ng mga Information, Education, Campaign (IEC) materials tungkol sa Waste Segregation para sa mga dumalo at hinikayat rin ng mga kawani ng PENRO Rizal na kung may mga nais silang gawing aktibidad o programa na makakatulong sa pangangalaga ng kapaligiran ay handa ang opisina na bigyan sila ng suporta upang maipatupad ito.