Dinaluhan ng mga kawani ng DENR CENRO Lipa mula sa Regulation and Permitting Section ang Retooled Community Support Program (RCSP) o ang Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan sa Barangay Cumba, Batangas City. Ang programang ito ay naglalayong mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao. Ito ay nilahukan ng iba’t-ibang departamento ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga pangunahing ahensya ng pamahalaang nasyonal na nasa CALABARZON Region o mga Regional Line Agencies.

Namahagi ang CENRO Lipa ng 150 forest tree seedlings at ng ilang IEC materials patungkol sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act. Nagkaroon din ng konsultasyon ang mga tao sa komunidad patungkol sa usapin ng pagpapatitulo ng lupang residensyal at agrikultural, pagpuputol ng puno, pagpaparehistro ng chainsaw at mga private tree plantations. Namahagi rin ang RPS personnel ng mga listahan ng mga requirements para sa mga interesadong indibidwal. Ang Serbisyo Caravan ng Batangas City ay magpapatuloy sa buwan ng Nobyembre sa Barangay Sto. Domingo sa nasabing lungsod.