Print

Nakipagtulungan ang Resident Staff Organization (RSO) ng Batangas Medical Center (BatMC) sa DENR-PENRO Batangas para sa pagsasagawa ng kanilang mga aktibidad para sa environmental sustainability na gaganapin simula 9 hanggang 14 ng Oktubre. 

Ika 9 ng Oktubre, opisyal na inilunsad at sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang Sustainability Webinar na dinaluhan ni Chief, MSD Luningning R. Morales, PhD. ng DENR-PENRO Batangas kung saan, isang mensaheng pang kalikasan ang kanyang ipinahayag. 

Kasunod nito, nagsagawa ng Ribbon Cutting Ceremony sa Outpatient Department (OPD) ng BatMC upang opisyal na buksan sa publiko ang RSO Photo Exhibit. Bilang partisipasyon, nagbigay ng pambungad na mensahe si DENR-PENRO Batangas, Chief Technical Services Division Luis P. Fernando. Kasabay nito ang pagbabahagi ng PENRO Batangas ng ilang reusable items gaya ng mga tasa at tote bag na ipinamahagi sa mga nagwagi sa Photography Contest, na naglalayon na maiparating ang mensahe ng pagtangkilik sa mga reusable items. 

Samantala, ang DENR ay nag-install rin ng booth bilang parte ng Stakeholder Management activity at magsilbing kampanya para sa Ecological Solid Waste Management at International Day of Climate Action. Namahagi ng reusable items ang PENRO Batangas gaya ng mga tasa, tote bag, tumbler, at lunch box at infographic materials gaya ng mga pamphlets patungkol sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management para mahikayat ang mga kawani ng BatMC na umiwas sa paggamit ng mga Single use plastic para mas epektibong mapangalagaan ang ating kalikasan.