Los Baños, Laguna – Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-19 Pista ng Kapaligiran ng Bayan ng Los Baños na may temang “Daloy ng Buhay sa Yaman ng Tubig”, inilahad ng PENRO Laguna sa pangunguna ni PENRO Eriberto B. Saños, ang ilan sa mga makabuluhang proyekto at aktibidad na naisagawa sa pamamagitan ng Manila Bay Coordinating Management Office (MBSCMO). Ang mga inisyatibo na ito ay may kaugnay sa pangangalaga ng mga kailugan at major tributaries ng Laguna De Bay bilang tugon sa hamon ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ibinida ni PENRO Saños ang ilan sa mga major accomplishments ng MBSCMO tulad ng quarterly water quality monitoring ng mga major rivers ng lalawigan upang mabantayan ang pagbuti ng kalidad ng tubig, pagha-hire ng mga Estero o River Rangers na siyang nangunguna sa mga paglilinis sa mga ilog at tributaries, pagsasagawa ng mga clean-up activities, instilasyon ng mga trash traps, monitoring ng mga ibinahaging composting facility at equipment sa mga piling barangay at munisipalidad, panghihikayat sa mga barangay na magkaroon ng kani-kaniyang mga eco-gardens at composting areas, at regular na pagsasagawa ng mga Communication, Education at Public Awareness (CEPA) activities upang iangat ang antas ng kamalayan ng lokal na komunidad higit lalo ang mga naninirahan malapit sa mga ilog sa kahalagahan ng tamang pamamahala ng mga basura at waste segregation.

Ang nasabing selebrasyon ng ika-19 Pista ng Kapaligiran ay dinaluhan din nina Governor Ramil L. Hernandez at Representative Ruth M. Hernandez ng ikalawang distrito ng Laguna na nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe at talumpati.